Thursday, February 21, 2013

First Full Practice of Vernon Macklin - Newest Barangay Ginebra Import


Kumusta mga Kabarangay? Sa wakas, pagkaraan ng isang taon ako ay muling nagbabalik sa Blogging. Salamat ng marami sa aking asawa at binigyan niya ako ng lakas ng loob na bumalik dito.

Nitong nakaraang mga araw maraming lumabas na balita na magpapalit ng Import ang Barangay Ginebra San Miguel dahil di masyadong maganda ang inilaro ng una nilang kinuhang import na si Herbert Hill. Ang naging resulta ay tatlong sunod na talo. Kaya sa ibat ibang Fan Page at Twitter ng tinaguriang crowd favorite ng PBA ay katakot-takot na sisi at reklamo ang nababasa ko. Kesyo mahina daw ang import, walang suporta ang mga Locals and etc. Sa akin lang maganda ng napagtatalo sa una kaysa sa huli, may 11 games pa naman, kayang-kaya pa yan.

Eto na, lumabas sa Facebook at Twitter na si Vernon Macklin ang bagong import. Noong Lunes nga ng umaga, dumating siya via Philippine Air Lines.  Kaya naisip ko na muling dalawin sa kanilang practice ang Ginebra at para makita ko na rin ang galaw ng bagong import.

Tinanong ko ang mga Staff ng BGSM: "Kumusta ang import mga idol?"  Sabi nung isa: "eto nga may pupuntahan lang ako at mangungutang". "Ha! Bakit ka mangungutang?" Sabi niya para ipang-pusta sa BGSM. Natawa ako bigla lols! Magaling yung bagong Import; parang si Art Long sabi pa niya. Sa pagkakaalam ko ito yung import ng SMB dati. Kumakamada ito dati ng 30 pts at 30 rebs kaya lang topakin yung import na 'to. Naexcite ako lalo lols!

Sabi naman nung isa magaling yung bagong import. Mahahawa at gaganahang maglaro ang mga players, di tulad ni Herbert Hill na dating import parang kulang sa intensity ang ibang players.

 Head Coach Al Francis Chua: Giving out instructions to Vernon Macklin.

Vernon Macklin Full practice game

Barangay Ginebra San Miguel

Vernon Macklin Low Post Play againts Yousef Taha.

Yousef Taha tried to score over the outstretched arms of Vernon Macklin.

Kerby Raymundo's turn 

Jump Hook or Sky Hook? 

  Rob Labagala Fastbreak play.

Keith Jensen and Chris Ellis. BGSM Rookies.

JayJay Helterbrand slammin' it home. Everybody is watching.

LA Tenorio 

Mark Caguioa without the Head Band.

Rob Labagala Jump Shot beyond the arc.

Practice shooting time..


The Former PBA MVP and The Reigning MVP having a chit-chat.

BGSM Rookie - Yousef Taha practicing his Free Throws. Bale sila na lang ni Chris Ellis ang naiwan na players. Lahat umuwi na.


Kerby Raymundo. The Kid.

Jay Jay Helterbrand. The Fast.

Rico Maierhofer. Rico Mambo. 
Me:"Idol Congrats sa Wedding". 
Rico: "Thank You!".

Keith Jensen. The Stealth Bomber.

Billy Mamaril. Big Mama. 
Me: "Idol puwede kitang mapicturan na solo?" Billy: "Ok lang. Dito tayo para ID picture." lols

Rudy Hatfield. The H-Bomb.. He said: "Thanks Bro for the picture".

Yousef Taha. The Titan. I took this shot after niyang mag-practice ng Free Throw.

Dylan Ababou. Super Ababou. 
Me: "Idol Kumusta? Kelan ka makakalaro?" Dylan: "Kuya, baka sa August pa". 
Me: "Kelan ka dumating". 
Dylan: "Nung Sunday. 1 1/2 months ako sa U.S. Me: "Wala na yung partner mo si Allein". Dylan: "Oo nga eh. Ganon talaga ang buhay ng basketball player.."

 Thanks for the short but meaningful chit chat Idol.

Vernon Macklin. VMack and his Angry Birds Shirt... 

VMack's Whole Body Shot. Laging naka-smile pag kinuhanan mo ng picture. Check out his Tattoos.

 Vernon Macklin said: "It's so hot!". Kaya ayon laging nakatabi sa Industrial fan. lols

Cool and Nice Guy si Vernon Macklin. 

Sa aking opinyon magaling at ok ang galaw ng bagong import ng BGSM. Kaya all smile si Coach Al Francis Chua. Pero di dapat iasa ang lahat sa Import kailangan pa rin ng local support. Ang sports ng Basketball ay nilalaro ng 48 minutes.  

Si Herbert Hill skilled basketball player, may shooting sa labas may Low Post, kaya lang madali siyang mapagod at di masyadong athletic. May kulang talaga. Di ba run and gun ang laro ng BGSM? Paano siya makakasabay?

 Kabaligtaran ni Vernon Macklin si Hill. Bangaan ang laro sa loob, malakas sa rebound at kayang sumabay sa takbuhan. Salamat din kay Herbert Hill kahit papano may naitulong din  siya sa BGSM at sa mga time na nakausap ko siya. Goodluck Idol Herb. At para kay Vernon Macklin naman - Welcome to Barangay Ginebra San Miguel and Goodluck to your games! Just play hard and help the team to win.

Sa tingin ko gaganda na ang takbo ng Team at positibo ako na muling mananalo ang The Most Popular Team sa PBA. Nakakahawa daw kasi ang intensity ng new import ng BGSM na si Vernon Macklin. Muling dadagundong ang Barangay Big Dome dahil sa sigaw ng mga Die Hard Fans na Gi-neb-ra! Gi-neb-ra! Gi-neb-ra!. Goodluck mga Idol!   Sana manalo na kayo sa Sabado para maraming masaya at magagandang comments na ang mabasa ko sa Twitter at Facebook. Manalo, matalo, Ginebra ako. Kayo ba? Di ako magsasawa na suportahan ang Ginebra. Ipapamana ko ito sa magiging  anak ko. Never Say Die!!


Hangang sa muli,

MJtheKING747
Certified Die Hard Fan of BGSM.

P.S. Follow me mga Kabaranggay!
Twitter
Instagram

1 comments:

Anonymous said...

go gin kings...lyalista q ng ginbra since my childhood...certified

Post a Comment

Post your comments mga Kabaranggay!